Bigo pa rin si Pangulong Noynoy Aquino na makumbinsi si Senador Grace Poe na tumakbo sa ilalim ng administration party.
Inihayag ito ni Senador Serge Osmeña matapos ang panibagong pakikipagpulong ng Pangulong Aquino kay Poe, Lunes ng gabi.
Kumbinsido si Osmeña na tatakbong independent si Poe sa halalan sa susunod na taon.
Duterte
Samantala, bagamat hindi pa desidido si Senador Serge Osmeña kung sino ang susuportahan sa 2016 Presidential elections, inamin nito na bilib siya kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil sa pagkakaroon nito ng political will.
Ayon kay Osmeña, si Duterte ay male version ni Senadora Miriam Defensor Santiago.
Aniya, mahigit 30 taon na sa public service si Duterte kaya’t may sapat na itong karanasan.
Samantala, sinabi naman ni Osmeña na mayroong tatlong taglay na katangian si Senadora Grace Poe, ito ay karisma, pagiging competent at character na labanan ang anumang tukso.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)