Tiniyak ng National Food Authority o NFA na sapat at hindi kukulangin ang suplay ng bigas sa Eastern Visayas matapos tumama dito ang magnitude 6.5 na lindol.
Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, batay sa ginawang imbentaryo ng ahensya, may halos dalawampung (20) metriko toneladang bigas o katumbas ng halos apatnaraang (400) sako ng suplay na bigas ang buong Region 8.
Sinabi ni Aquino na sapat pa ito para sa labing tatlong (13) araw base sa arawang konsumo sa rehiyon.
Kasabay nito, tiniyak din ng opisyal na stable ang presyo ng bigas sa Eastern Visayas sa kabila ng nangyaring lindol.
By Ralph Obina
Suplay ng bigas sa buong Eastern Visayas na tinamaan ng lindol sapat—NFA was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882