Mahigit 121 bansa kabilang ang Pilipinas na pawang miyembro ng United Nations ang bumoto kontra sa paggamit ng Nuclear Weapons.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang nasabing boto ang sinasabing hakbang patungo sa tuluyang pagwawakas ng armas nukleyar.
Ayon kay Philippine Permanent Representative to the UN Teodoro Locsin Junior, bumoto ang Pilipinas para sa adoption ng legally binding treaty dahil ito ang tamang gawin.
Ang nasabi rin anyang trado ang paraan para madisarmahan na ang mga bansang nagtataglay ng mga mapanirang sandata tulad ng Nuclear Missile upang mapanatili ang kapayapaan sa mundo.
By: Drew Nacino
Pilipinas kaisa ng ibang bansa kontra sa paggamit ng armas nukleyar was last modified: July 9th, 2017 by DWIZ 882