Posibleng kumuha ang Malacañang ng interpreter para sa ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, ito ay para maintindihan ng mga foreign guest ang mga magiging sasabihin ng Pangulo sa salitang Bisaya o Tagalog.
Kilala ang Pangulo na hindi sumusunod sa kanyang nakahandang speech at madalas na komportableng nagpapahayag sa dialekto nitong Bisaya.
Samantala, sinabi ni Andanar na mananatili pa ring simple ang SONA ni Pangulong Duterte tulad noong nakaraang taon.
Dahil dito, posibleng hindi pa rin mairampa ng mga mambabatas, kanilang mga asawa at mga dadalo sa SONA ang mga bongga at mamahaling mga damit.
By Rianne Briones
Palasyo planong kumuha ng interpreter sa SONA ng Pangulo was last modified: July 10th, 2017 by DWIZ 882