Kanselado na ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ormoc City ngayong araw na ito.
Inanunsyo ito ni Alicia Nicart, Regional Manager ng Philippine Information Agency o PIA.
Ayon kay Nicart, walang tinukoy na rason ang Presidential Management Staff sa naging pagbawi sa naturang biyahe sana ng Pangulo sa Leyte kasunod ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa lugar.
Sa halip na ang Pangulo, ilang cabinet secretaries aniya ang magtutungo upang makipag-meeting sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council para pag-usapan ang ilalatag na rehabilitation plan at response.
By Rianne Briones
Pagbisita ng Pangulo sa Leyte ngayong araw kinansela was last modified: July 10th, 2017 by DWIZ 882