Walang naitalang kidnapping incident ang isang anti-crime group sa nakalipas na dalawang buwan.
Ayon kay Teresita Ang-See, Chairperson ng Movement for Restoration of Peace and Order, maituturing na malaking development ito dahil sa loob ng dalawang buwan ay wala silang tinutukan na bagong kaso.
Kung ikukumpara aniya sa mga nakalipas na taon, hindi bababa sa dalawang kidnapping incident ang kanilang natatanggap kada linggo.
Samantala, sinabi ni Ang-See na kabilang sa tinututukan nila ngayon ang kidnapping-murder case kay Gertrudes Tan sa Angat, Bulacan.
By Meann Tanbio
*Photo Credit: Jonathan Andal (Patrol 31)