Pinasisibak sa pwesto ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang mga pulis na humahawak sa imbestigasyon kaugnay ng Bulacan Massacre.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, nawalan na ng saysay ang imbestigasyon sa kaso matapos na mapatay ang tatlong (3) persons of interests sa krimen.
Iginiit pa ni Jimenez na dapat ang NBI o National Bureau of Investigation na ang mangasiwa sa imbestigasyon dahil sa aniya’y hindi maayos na paghawak sa kaso ng mga nasabing pulis.
Kasunod nito, umaasa rin si Jimenez na maililigtas ang isa pang nawawalang person of interest sa Bulacan Massacre.
By Krista De Dios