Isinusulong ni Senator Leila De Lima ang panukalang mandatory at biglaang drug test sa mga preso at sa kanilang mga custodian o bantay.
Ito’y ayon kay De Lima ay upang ganap na malinis mula sa iligal na droga ang mga bilangguan sa bansa.
Sa inihaing Senate Bill 1496 o Drug Free Prisons Act of 2017 ng senador, nakasaad ang pagsasagawa ng regular drug test sa lahat ng preso at bantay sa mga kulungang hawak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor), at mga custodial centers ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Nakapaloob rin sa nasabing panukala na ang sinumang preso ang magpo-positibo sa drug test ay isasailalim sa drug dependency examination at ililipat sa rehabilitation center.
Habang ang mga opisyal naman na mapatunayang gumagamit ay ipaghaharap sa kasong administratibo at kriminal.
By Krista De Dios | Story from Cely Bueno