Pormal nang nai-turn over ng Bureau of Immigration (BI) sa PNP Aviation Security Group ang apat sa pitong mga pasahero na una nang pinigilan sa NAIA Terminal 3.
Ito ay matapos na madiskubre na ang pangalan ng mga ito ay may apelyidong Maute.
Ang mga naturang pasahero ay mayroon umanong alert order galing sa DND o Department of National Defense.
Maliban dito, mayroon ding mga arrest warrant na hawak ang Philippine National Police (PNP).
Ayon sa mga ulat, dinala na ang tatlong (3) Maute sa opisina ng CIDG-NCR sa Kampo Crame at ang isa (1)naman umano ay dinala sa tangapan ng NBI upang masusing imbestigahan.
Samantala, itinanggi naman ng apat na sila ay may kaugnayan sa naturang teroristang grupo.
Gayunman, lumalabas sa record ng PNP na ang mga ito ay may outstanding warrant at subject to persons of interests ng pamahalaan.
By Race Perez | Story from Raoul Esperas