Hindi pino-problema ng Liberal Party (LP) ang kawalan ng desisyon sa pag-uusap muli nina Pangulong Noynoy Aquino at Senador Grace Poe.
Binigyang diin ni Congressman Bolet Banal, miyembro ng LP na bahagi lamang ng kanilang option ang pagkuha kay Poe at kung hindi ito uubra ay mayroon naman silang Plan B.
Gayunman hindi naman tinukoy ni Banal kung ano ang Plan B na tinutukoy niya.
Kasabay nito, sinabi ni Banal na maraming miyembro ng ruling party ang naghihintay ng desisyon ng Pangulo hinggil sa posibleng Roxas-Poe tandem sa 2016 bago magpasya kung mananali o kakalas sa LP.
By Judith Larino