Nag-donate ang PAL o Philippine Airlines ng dalawang milyong piso (P2-M) sa AFP o Armed Forces of the Philippines para sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City.
Personal na iniabot ni PAL Chairman Lucio Tan ang tseke kay Rear Admiral Narciso Vingson, deputy chief of staff ng AFP.
Pinapurihan naman ni Tan ang katapangan at sakripisyo ng mga sundalo sa gitna ng krisis sa Marawi.
Meann Tanbio