Pumapalo na sa 54 ang mga bilanggo sa buong Region 4A na nasawi dahil sa sakit simula pa nuong Enero. Tatlumput siyam (39) dito ay mula sa Cavite Pito mula sa Laguna, Lima sa Rizal at Tatlo naman sa Batangas. Ngayong buwang ito naman ay dalawang bilanggo ang nasawi sa loob ng piitan sa Cavite at Rizal dahil sa sakit. Sa Cavite nasawi si Leonardo Manuel na nakakulong sa Bacoor City Jail matapos itong dalhin sa Las Piñas District Hospital dahil sa hirap sa paghinga. Ayon sa mga duktor na tumingin kay Manuel multiple organ failure, sepsis at tuberculosis ang sanhi nang pagkamatay nito. Dead on arrival naman sa Antipolo Provincial Hospital si Angelito Alday na nawalan ng malay matapos mahirapan sa paghinga. Sinabi ni Supt Chitdel Gaoiran, spokesman PNP Region 4A na ang masisikip at siksikang selda ang dahilan nang pagdami nang namamatay sa mga bilanggo. Halos 1000 bilanggo sa buong CALABARZON Region ang may tuberculosis at skin diseases. By: Judith Larino Mga nasasawing preso sa buong Region 4A dumarami umano dahil sa sakit was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882Comments comments 0 comment 0 Facebook Twitter Google + Pinterest DWIZ 882 previous post DOH pinag aaralan kung paano makapagbibgay ng ibayong medical services sa Ormoc next post Pagpapatawag ng LEDAC meeting hindi umano binabalewala ng Palasyo You may also like DepEd muling dumipensa sa P150-M confidential funds September 20, 2022 DOH, Ikalawang araw nang nakapagtala ng halos... September 8, 2022 DOH nakikipag-ugnayan na sa Red Cross hinggil... March 13, 2018 Publiko, pinaaalahanan na mag-ingat pa rin sa... December 26, 2021 Pilipinas kaisa sa pagbasura ng UN sa... September 22, 2017 OSG nanindigang walang hurisdiksyon ang ICC para... February 10, 2018 Pinakamataas na disapproval rating, nakuha ni VP... April 20, 2022 Posibleng pagpapanatili sa GCQ hanggang Disyembre tinitingnan... July 13, 2021 Road safety inter-active center ng LTO, binuksan... June 2, 2022 Pamamaslang sa misis ng bagong laya preso,... March 13, 2024 Leave a Comment Cancel Reply