Kinumpirma ni PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na sinibak niya sa serbisyo ang walumpung (80) pulis na sangkot sa iba’t ibang kaso tulad ng droga at terorismo.
Sinabi ni Bato na 80 ang inaprubahan niya mula sa 84 na pulis na inirekomenda ng PNP-IAS o Internal Affairs Service na i-dismiss sa serbisyo.
Ang apat na kaso ay ibinalik niya aniya sa ias dahil pagkakautang lamang naman aniya ng pera sa PNP ang atraso ng mga ito.
Kasama sa mga sinibak ni Bato si Supt. Lito Cabamongan ang opisyal na nahuling bumabatak ng droga gayundin si Supt. Cristina Nobleza na kasabwat umano ng mga teroristang Abu Sayyaf.
By Judith Larino / ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31)
80 pulis na sangkot sa droga at terorismo tuluyan nang sinibak was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882