Isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez na panukalang batas ang mabilis na pagpapawalang bisa sa kasal.
Ayon kay Alvarez, sa pagbubukas ng 17th Congress ay ihahain niya ang proposed bill na dissolution of marriage para mapabilis at hindi mahirapan pa mga mag-asawang nagnanais nang maghiwalay.
Aniya, hindi tulad sa annulment na isang mapait na proseso sa dissolution of marriage ay kailangan lamang magkasundo ng magkabilang panig na nais na nilang maghiwalay pagkatapos nito ay maghahain ng jointly petition sa korte para gawing ligal ang pagpapawalang bisa sa kanilang kasal.
Tinutulan naman ito ni Buhay Partylist Rep Lito Atienza dahil masisira umano lamang nito ang kasagraduhan ng kasal.
Kaugnay nito, hinikayat ni Atienza si House Speaker Alvarez na maghinay-hinay at pag-isipan muna ang naturang panukala.
Kumpiyansa si Atienza na hindi ito makalulusot sa Kongreso dahil naniniwala siyang marami pa rin sa mga ito ang naniniwala sa kasagraduhan ng kasal.
Why choose ‘dissolution of marriage’?
Mas matipid ang dissolution of marriage na isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ito, ayon kay Atty. Glenn Subia ang benepisyo ng dissolution of marriage na isang uri ng pagpapawalang bisa ng kasal.
“Kung sa benepisyo mas matipid kasi sa ngayon para mapawalang bisa ang kasal dadaan ka ng husgado at medyo magastos yun lalo na kung ang basis mo ay declaration of nullity dadaan ka ng pag-hire ng services ng psychologist, medyo may kamahalan yun, kapag may ari-arian ang mag-asawa may added fee pa yun, estimated to be P25,000 for every million of property.” Ani Subia
Sa tingin ni Subia, posibleng i-pattern ang nasabing panukalang batas sa proseso ng diborsyo sa ibang bansa dahil hindi na kinakailangan pang dumaan sa husgado.
Kinakailangan lang aniyang pumunta sa civil registry at i-file ang affidavit.
“Baka ipa-pattern yan sa proseso ng diborsyo sa ibang bansa na affidavit of divorce lang, sa Japan at US affidavit lang diborsyo na kayo, at nakasaad doon kung paano niyo hahatiin ang mga ari-arian ninyo, hindi dadaan ng husgado yun, diretso yun, pupunta ka sa civil registry nun.” Pahayag ni Subia
By Rianne Briones | Meann Tanbio | Ratsada Balita (Interview)
Panukalang ‘dissolution of marriage’ isinusulong was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882