Nasa limampu’t apat (54) pang mga gusali ang nabawi ng militar sa Marawi City.
Ito ay kaugnay sa nagpapatuloy na clearing operations ng mga awtoridad sa lungsod.
Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera , nasa walong daan (800) pang gusali ang kailangan nilang i-clear na mga lugar na kinaroroonan ng mga miyembro ng Maute group na karamihan ay mga snipers.
Batay sa tala ng AFP o Armed Forces of the Philippines, nasa humigit kumulang walumpung (80) miyembro pa ng teroristang grupo ang nananatili at nakikipaglaban sa Marawi.
By Ralph Obina
54 pang gusali sa Marawi nabawi na ng militar was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882