Sisimulan na ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pagbibigay ng ayuda sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo sa bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla, nasa tatlumpu’t limang libong piso (P35,000) ang kanilang ipagkakaloob na tulong sa bawat pamilya.
Mula aniya ito sa mga donasyong nakalap ng AFP na aabot sa tatlo punto limang (3.5) milyong piso.
Bukod pa ito sa dalawang (2) milyong pisong tseke na bigay ng isang negosyante.
Samantala, aabot naman na sa mahigit pitongdaan at pitumpu’t anim na libong piso (P776,000) ang donasyong nakakalap ng AFP para sa mga inilikas na pamilya sa Marawi.
By Ralph Obina