Kusang loob na hindi muna papayagan ng Uber at Grab ang kanilang mga sasakyang walang provisional authority o certificate of public convenience.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, Board Member at Spokesperson ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board, napagkasunduan nila ito sa pakikipagpulong nila sa mga kinatawan ng Grab at Uber.
Sa nasabing pulong ay inisa-isa ng LTFRB ang napakaraming mga paglabag ng Grab at Uber sa mga panuntunan na kakabit ng accreditation na ibinigay sa kanila ng ahensya.
“While we await a legislation from Congress, ang ginagawa namin we troubleshoot to stop gap measures, at andaming nakikita namin, number one ang dami na lumobo na ang number nila, so July 2016 we stopped processing application in Metro Manila, September, nationwide , number two we put a cap sa price card nila sabi namin hindi puwedeng times 5, times 4 times 2 lang tayo, pangatlo we directed them to comply with na kailangan maglagay sila ng magnetic logo sa kanilang mga sasakyan, pang-apat give us your master list kasi hindi namin alam.” Ani Lizada
Kasabay nito ay idinepensa ni Lizada kung bakit multa lamang at hindi kanselasyon ng permisong makabiyahe ang ipinataw nilang parusa sa Grab at Uber.
Sinabi ni Lizada na batid ng LTFRB ang pangangailangan ng mga mananakay na tumatangkilik sa mga TNVS o transport network vehicle service.
Sa ngayon, wala pang malinaw na batas na sumasakop sa TNVS dahil walang ipinapasa ang Kongreso.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni LTFRB Spokesperson Atty Aileen Lizada