Nagsimula nang magsumite ang mga miyembro ng gabinete ng kani-kanilang inputs para sa nakatakdang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na sa pamamagitan nito ay madedetermina ng team ng Pangulo sa kung ano ang isasama sa pag-uulat sa bayan ng punong ehekutibo.
Ayon kay Dureza, hindi naman lahat ay mababanggit ng Pangulo at posibleng magmungkahi na lang sila nang kung ano ang maaaring maisama sa SONA ng Pangulo.
Tumanggi naman ang opisyal sa kung ano ang masasabi niyang highlight na nagawa ng kanyang tanggapan na posibleng mabanggit ng Pangulo sa kongreso sa SONA.
- Meann Tanbio