Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na isumite ang proposed 2018 National Budget sa mismong araw ng SONA o State of the Nation Address sa Hulyo 24.
Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ito ang kauna-unahang panahon sa kasaysayan na magsusumite ang Pangulo ng panukalang budget sa mismong araw ng kanyang SONA.
Nakagawian na ng mga nakalipas na Presidente na magsumite ng proposed national budget, isang linggo o higit pa, pagkatapos ng SONA.
Kabuuang P3.767 trillion ang hinihinging budget ng Duterte administration kung saan sinabi ni Diokno na ang DepEd o Department of Education ang paglalaanan ng malaking pondo.
- Meann Tanbio | Story from Aileen Taliping