Tiwala si Senador Panfilo Lacson na kayang idepensa ng dating Pangulong Noynoy Aquino ang sarili nito sa kahaharaping kaso kaugnay ng Mamasapano Incident.
Sinabi ni Lacson na ang maipapayo niya lamang sa dating Pangulo ay kumuha ng mahusay na abogado.
Bilang kaibigan at dating kasama sa Senado inihayag ni Lacson na nakikiisa siya sa mga nananalangin na makayanan ng dating Pangulo ang pressure at minsan na aniya niya itong napagdaanan kayat batid niya kung ano ang pakiramdam ng humarap sa paglilitis sa Korte.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Sen. Lacson tiwalang kayang dipensahan ni dating Pangulong Noynoy ang sarili was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882