Nananatiling unliquidated ang halos tatlong (3) milyong pisong inilaan para sa operasyon ng PCOO o Presidential Communications Operations Office para sa mga opisyal na biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanilang audit report, ipinabatid ng COA o Commission on Audit na bigo ang labing apat na PCOO officials na tumugon sa panahong ibinigay sa kanila para i-liquidate ang kanilang cash advances.
Ayon sa COA, sa bawat biyahe ng Pangulo, sa loob o labas ng bansa ay mayroong itinatalagang opisyal ng PCOO bilang special disbursing officer na siyang kukuha ng cash para sa media operational expenses.
Bahagi ng operational expenses ang supplies, arkila ng equipment at mga sasakyan, pagkain at iba pang kailangan.
Ipinabatid ng COA na si Presidential Spokesman Ernesto Abella ang may pinakamaraming unliquidated cash advances na pumapalo sa halos dalawang (2) milyong piso para sa biyahe ng Pangulo sa Brunei at Indonesia at pagdalo ng chief executive sa ASEAN Summit sa Laos.
Nai-settle naman ni Abella ang cash advances matapos ang halos dalawang buwan.
Nasa halos P230,000 naman ang nakalista sa pangalan ni Assistant Secretary Michel Kristian ablan para sa isang national communications workshop noong September 2016 at nakapag-liquidate ito matapos ang walumpu’t pitong (87) araw.
Ang iba pang PCOO officials na hindi pa nakakapag-liquidate ng cash advances sina Ma. Teresa Hernandez, Miguel Achacoso, Ace Contemprato, Ramon Cualoping III at Karl Fajardo.
Samantala, tanging si dating PCOO Undersecretary Renato Marfil naman ang nag-iisang opisyal ng nakalipas na Aquino administration na hindi pa nakapagli-liquidate ng halos P20,000 na cash advance nito.
By Judith Larino
Halos P3-M cash advance bigo pang ma-liquidate ng PCOO was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882