Apektado ng fish holiday ngayong araw na ito ang ilang wet market sa Metro Manila.
Pinangangambahang maaapektuhan din ng fish holiday ang ilang lugar sa Luzon dahil ang may isandaang tonelada ng isdang ibinibenta mula sa Zamboanga, Palawan at Masbate ay daan muna sa Navotas Port.
Nag-ugat ang fish holiday sa mahigpit na pagtutol ng Fish Traders Association sa implementasyon ng Fisheries Code of the Philippines partikular sa pagbabawal na mangisda sa municipal waters.
Samantala, pinawi naman ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Executive Director Asis Perez ang pangamba na walang mabibiling isda sa mga pamilihan.
By Judith Larino