Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu ang labing dalawang (12) sundalong nasugatan sa engkwentro sa Mindanao noong Hulyo 8.
Ginawaran ng Pangulo ng wounded personal medal sina 1 Lt. Niño John Paner; Lt. Ian Solatre; Cpl. Jeric Ghil Villaruz; Cpl. Alan Bartolome; PFC Rhenievon Saliw-An; PFC Jeremy Ganagan; PFC Jaifryll Tamayo; PFC Reynan Maristela; PFC Vergel Bali; PFC Polard Banggawan; Pvt. Tonie Mar Talatayud; at Pvt. John Paul Annang.
Nasugatan ang mga nabanggit na sundalo makaraang maka-engkwentro ang grupo na pinamumunuan ni Abu Sayyaf Leader Almujer Yada sa Barangay Darayan sa Bakan ng Patikul sa Sulu.
Kasalukuyang naka-confine sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital ang mga ito.
- Meann Tanbio