Pinasinungalingan ni Senadora Grace Poe ang pahayag ng kaniyang mga kapwa senador na sina Sergio Osmeña at Tito Sotto na desidido na siyang tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.
Ito’y makaraang walang malinaw na napagkasunduan ang Senadora at si Pangulong Noynoy Aquino sa limang oras na pulong nito noong Lunes.
Sa inilabas na pahayag ng senadora, sinabi nitong nasa estado pa rin siya ng pagninilay hanggang sa kasalukuyan kaya’t hindi pa siya makapag-pasya.
Kabilang ani Poe sa kaniyang kinukunsidera ay ang posibleng maging kahinatnan ng bansa sa susunod na 6 na taon kung siya ang mauupo bilang Pangulo.
By Jaymark Dagala