Posibleng mga dayuhan ang mga nasa puneraryang hindi pa naki-claim o walang kumukuha kaugnay sa pinaigting na anti-drug operations ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng pahayag ng mga may-ari ng punerarya na marami pa rin ang hindi nakukuhang mga bangkay mula noong simulan ang kampanya kontra droga.
Ayon sa Pangulo hindi malayong mga dayuhan ang hindi pa nake-claim na mga patay dahil walang kamag-anak ang mga ito sa bansa.
Nagrereklamo na umano ang mga may-ari ng punerarya na nalulugi na dahil marami sa mga nakaimbak sa kanilang punerarya ay walang kumukuha kayat nais na ng mga ito na ipalibing na.
By: Aileen Taliping
Mga funeral owners nagrereklamo sa hindi naki-claim na mga bangkay was last modified: July 16th, 2017 by DWIZ 882