Tanging ang Pilipinas lamang mula sa mga kalapit bansa nito sa rehiyon ng Asya-Pasipiko ang may positibong pananaw sa North Korea sa kabila ng pagpapakawala nito ng mga missile.
Ito ang lumabas sa survey ng US based Pew Research Center kung saan, mahigit sa kalahati ng mga Pilipino o 53 percent ang nagsabing walang problema sa kanila ang ginagawa ng NoKor sa pagsasagawa ng mga missile test.
Gayunman, lumabas din sa survey na bagama’t nakakuha ng paborableng tugon ang NoKor mula sa Pilipinas, aabot sa animnapung (60) porsyento ang nagsabing nag-aalala sila sa mga armas nuclear ng NoKor.
Batay sa survey, pinangangambahan ng mga Pinoy na tamaan ang Pilipinas ng mga pakakawalang missile ng NoKor sakaling sumiklab ang digmaan sa pagitan nito at ng mga bansang kumokontra rito tulad ng Amerika.
By Jaymark Dagala
Pilipinas lang ang may positibong pananaw sa Nokor—survey was last modified: July 17th, 2017 by DWIZ 882