Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa martial law sa Mindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na isasaalang-alang ni Pangulong Duterte ang kaligtasan ng publiko sa magiging desisyon nito kung palalawigin o aalisin na nito ang batas militar sa mindanao.
Agad namang nilinaw ni Abella na hindi niya nakita ang rekomendasyon ng Department of National Defense (DND) kaya’t hintayin na lamang ang magiging aksiyon dito ng Pangulo.
Aasahan aniya na i-aanunsiyo ng Pangulo ang pasya nito bago o mismong araw ng pagtatapos ng martial law sa Mindanao.
- Meann Tanbio | Story from Aileen Taliping