Inihayag ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na lumago sa dalawang bilyong dolyar ($2-B) ang portfolio investments noong Hunyo.
Ayon sa BSP, mas mataas ng 36% sa nairehistro na $1.5 bilyon noong Mayo at 11% kumpara sa $1.8 bilyon noong Hunyo ng nakalipas na taon.
Halos 82% ng portfolio investments noong Hunyo ay inilagay sa stock market at ang balanse ay ipinasok sa peso government securities.
Sinabi ng BSP na nakatulong sa pagtaas ng foreign portfolio investments ang inaasahang pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi City, ang inaasahang pagpasa ng tax reform package ng gobyerno at ang magandang pananaw ng mga dayuhan sa kita ng mga kumpanya.
- Meann Tanbio