Papasok na rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation o NBI sa pinakahuling insidente ng pagpatay sa isang Doctor to the Barrio ng Department of Health sa Cavite.
Sa Department Order 486 na pirmado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, inatasan nito ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa pamamaril ng riding-in-tandem kay Dr. George Repique Junior noong gabi ng July 11 sa Trece Martires.
Si Repique ang Provincial Health Officer ng naturang lalawigan na tinambangan ng hindi pa nakilalang salarin habang lulan ng kanyang sasakyan pauwi kasama ang driver na si Riorito Bacasa.
Nakaupo si Repique sa likod ng sasakyan nang puntiryahin ng gunman at nagtamo ng limang tama ng bala habang tinamaan sa hita ang kanyang driver.
Pinagsusumite rin ng DOJ ang NBI ng report at rekomendasyon sa sandaling matapos na nito ang kanilang imbestigasyon.
By: Drew Nacino / Bert Mozo
NBI mag-iimbestiga na rin sa pinatay na doctor to the barrio sa Cavite was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882