Naubos na ang pagtitimpi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Ombudsman Conchita Carpio Morales kaya’t binuweltahan ito sa issue ng mga kriminal.
Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga appointed official sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na walang control ang bunganga ni Morales at nagmimistula itong konsensiya ng komunidad.
Wala anyang kaalam-alam si Morales na bumalik na ang illegal drug trade sa New Bilibid Prison o NBP sa Muntinlupa City dahil wala itong ginawa kundi umupo sa kanyang tanggapan.
Mismong ang tanggapan aniya ng Tanod Bayan ay balot din ng katiwalian pero tila hindi alam ni Morales.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte