Ikinakasa na ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kasong isasampa laban sa PISTON o Pinagkaisang Samahan ng Transport Operators Nationwide.
Ito’y makaraang paralisahin ng PISTON at ng iba pang grupong tutol sa transport modernization ang daloy ng trapiko bunsod ng isinagawa nilang transport caravan.
Gayunman, hindi muna idinetalye ni LTFRB Board Member at tagapagsalita nitong si Atty. Aileen Lizada kung anong kaso ang isasampa laban kay San Mateo at sa iba pang grupong lumahok sa nasabing protesta.
Una nang nagbanta si San Mateo sa mga sunud-sunod pang pagkilos protesta hangga’t hindi lubusang nauunawaan ng publiko ang epekto ng plano ng pamahalaan na gawing moderno ang sektor ng transportasyon sa bansa.
By Jaymark Dagala
Transport groups na nagwelga kakasuhan ng LTFRB was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882