Magtatalaga rin ng puwersa ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay bilang ayuda sa PNP o Philippine National Police na namumuno sa pagbibigay ng seguridad sa SONA sa Lunes, Hulyo 24. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, kanila na lamang inaantabayanan kung saan sila ipoposte ng PNP. Aniya, may iba pang nakaantabay na tropa ng militar na magsisilbing back-up sakaling kailanganin pa ng karagdagang ayuda ng pulisya. Giit pa ni Arevalo, walang partikular na banta sa araw ng SONA ng Pangulo maliban sa naunang ulat na planong panggugulo ng NPA sa Davao City. By Krista de Dios | ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31) AFP magbibigay ng ayuda sa PNP para sa SONA was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882Comments comments 0 comment 0 Facebook Twitter Google + Pinterest DWIZ 882 previous post 40000 sasakyan ng Grab at Uber kolorum—LTFRB next post Pagbagsak ng peace talks ibinabala kung palalawigin ang Martial Law You may also like Mabel Cama rape-slay case hindi pa maituturing... November 21, 2017 Mga basura galing South Korea nakatakda nang... January 19, 2020 Kopya ng CCTV sa pag-aresto sa Amerikanong... November 13, 2015 Namumuong tensiyon sa pagitan ng China at... August 5, 2022 Pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno,... January 10, 2024 Pagbaba ng pasahero sa bike lane at... June 28, 2021 Taunang fluvial parade sa pista ng Sto.... January 16, 2016 Pilipinas ‘di pa magpapatupad ng travel ban... December 27, 2020 VP Robredo binuweltahan ng Malakanyang kaugnay sa... October 28, 2019 Pag-iimbestiga ng Senado kay Calida welcome sa... June 1, 2018 Leave a Comment Cancel Reply