Limang buwang extention ng martial law sa Mindanao ang hinihiling ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.
Sa kanyang liham sa Kongreso na binasa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, sinabi ng Pangulo na ibinase niya ang kanyang kahilingan sa report sa kanya ng militar at pulisya hinggil sa sitwasyon ng rebelyon sa Mindanao.
Partikular na tinukoy ng Pangulo sa kanyang liham na palawigin hanggang katapusan ng taong ito ang martial law sa Mindanao.
“The Armed Forces of the Philippines – AFP as martial law emplementor and the chief of National Police – PNP are found to the conclusion that the existing rebellion in Mindanao which is found me to issue Proclamation No. 216 from 23rd May 2017, will not be quelled completely by 22nd July 2017, the last day of the 60-day period provided under Section 18 Article 7 of the 1987 Constitution.”
“For this reason, because public safety requires it, I call upon the Congress to extend until 31st of December 2017.”
“For such a period of time as a Congress may determine the proclamation of martial law and the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus in the whole of Mindanao.”
Ayon kay Abella, nakasalalay pa rin sa mga mambabatas ang desisyon kung pagbibigyan ang kahilingan ng Pangulo.
Isang detalyadong report anya ng tunay na sitwasyon sa Mindanao ang nakatakdang isumite ng Pangulo sa joint session ng Kongreso sa Sabado, Hulyo 22.
Hindi nagbigay ng detalye si Abella sa tunay na sitwasyon sa Mindanao subalit malinaw anya ang namumuong panganib sa mga mamamayan doon kung hindi ito maaksyunan agad ng pamahalaan.
“They are now direct references to new forces, exempt that there is really a possibility there is a looming situation in Mindanao.”
“Again, and again, he [President Duterte] said that there is a looming situation in Mindanao which needs to be totally and completely addressed.”
- Len Aguirre | Story from Aileen Taliping