Itinanggi ng National Capital Regional Police Office ang patutsada ni Senador Richard Gordon na walang ginagawa ang pulisya sa mga kaso ng pagpatay ng riding-in-tandem sa bansa.
Ayon kay N.C.R.P.O. Chief, Director Oscar Albayalde, sa 94 na kaso ng pagpatay ng riding-in-tandem sa Metro Manila sa nakalipas na isang taon, 68 suspek na ang kanilang naaresto habang 43 ang napatay.
Karamihan anya sa mga suspek at biktima ay kapwa sangkot sa iligal na droga.
Batay naman sa tala ng P.N.P. mula noong July 1, 2016 hanggang June 2017, higit 3000 kaso na ng pagpatay ng riding-in-tandem ang kanilang naitatala sa buong bansa.
Kabilang dito ang mahigit 230 naarestong suspect habang 79 ang napatay.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal
Patutsada ni Sen. Gordon hinggil sa mga kaso ng riding in tandem itinanggi ng NCRPO was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882