Kinumpirma ni AFP Chief of Staff, Gen. Eduardo Año na hindi itinuturing na teroristang grupo ang Turkish Movement na Fethullah Gulen.
Ito ang nilinaw ni Año taliwas sa pahayag ni Turkish Ambassador Esra Cankorur na isa umanong terror group ang Fethullah Gullen Movement.
Ayon kay Año, ang naturang organisasyon ay tumutulong sa mga mamamayan lalo sa mahihirap na komunidad pagdating sa edukasyon.
May sarili naman anyang batayan ang embahador kung bakit tinukoy na teroristang grupo ang fethullah Gulen lalo’t inuugnay ito sa tangkang kudeta sa Turkey noong isang taon.
Gayunman, ipinunto ng heneral na panloob itong usapin ng Turkey kaya’t hindi nila nais maipit ang Pilipinas.
By: Drew Nacino
Turkish Movement na Fethullah Gulen hindi umano teroristang grupo was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882