Kasado na ang inilatag na seguridad ng NCRPO o National Capital Region Police Office para sa Ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Pero ayon kay NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde, hindi tulad ng mga nakalipas na SONA, hindi sila magbabarikada para harangin ang mga militante na magsasagawa ng kanilang pagkilos sa nasabing araw.
Sa halip aniya, palalapitin pa nila ang mga ito mula 15 hanggang 20 metro sa Batasan Complex alinsunod na atas sa kanila ng Office of the President.
Pagtitiyak pa ni Albayalde, maximum tolerance ang kanilang paiiralin sa kabuoan ng SONA ng Pangulo kaya’t pinagbawalan niyang magdala ang mga pulis ng mga baril, kalasag at baton.
Wala rin aniyang ipoposteng container van ngunit maglalagay sila ng mobile jail sa lugar sakaling may manggulo o lalabag sa batas sa nasabing araw.
By: Jaymark Dagala
Seguridad ng pulisya para sa SONA all set na was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882