Nanganganib mapasara ang walong (8) bus terminals sa Quezon City matapos mabigong sumunod sa nose in, nose out policy ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority.
Ayon sa MMDA, dalawang bus terminals lamang ang sumunod sa nasabing panuntunan.
Kabilang naman sa mga pasaway na bus terminals sa southbound ang DLTB, Lucena Lines, Raymond Tranposrt, St. Raphael at Our Lady of Salvation.
Bukod ito sa Super Lines at Victory Lines sa northbound lanes.
Tiniyak naman ng MMDA na hindi maaapektuhan ang commuters kapag pinasara ang mga nasabing bus terminals.
Malinaw sa nose in nose out policy ang pagpasok muna ng mga bus sa unahang bahagi ng kanilang terminal at huwag gamitin ang EDSA para makapagmaniobra papasok at palabas ng kanilang terminal na nagiging dahilan ng trapiko.
By Judith Larino
8 bus terminals sa QC nanganganib ipasara was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882