Umalma ang mga mambabatas mula sa Makabayan Bloc sa hirit na palawigin pa ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, hindi dapat madaliin ng Kongreso ang pag-apruba sa Martial Law extension sa halip, kailangan muna itong pag-aralang maigi upang malaman kung may batayan ang pagpapawalig dito.
Dapat din aniyang mapaliwanag ng defense at security officials ng Palasyo sa mga mambabatas kung bakit kinakailangan ang nasabing hakbang bago man lang ang joint session na ipinatawag sa Sabado.
Para naman kay ACT Teachers Representative Antonio Tinio, hindi dapat maging sunud-sunuran ang Kongreso sa Malacañang lalo’t hindi rin maaaring gawing seremoniya lamang ang special joint session para tanggapin ang hirit ng Pangulo.
By Jaymark Dagala
Martial Law extension dapat maipaliwanag—Makabayan Bloc was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882