Itinaas na ng Department of Foreign Affairs o DFA ang iba’t ibang crisis alert levels sa dalawampu’t isang (21) bansa dahil sa banta ng seguridad.
Ayon sa DFA, crisis alert level 4 ang kanilang itinaas sa mga bansang Iraq, Syria at South Sudan kung saan ipatutupad ang total ban sa deployment ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
Nasa alert level thre naman na ang Yemen at Afghanistan dahil sa patuloy na political at security instability doon.
Habang ang Palestine, Libya, Ukraine at Venezuela naman ay isinailalim sa alert level two ng DFA kung saan ipinagbabawal na ang pagkuha ng mga bagong OFW.
Samantala, nasa crisis alert level 1 naman ang labindalawang (12) bansa na kinabibilangan ng Democratic Republic Congo, Egypt, Guinea, Israel, Kenya, Lebanon at iba pa.
By Ralph Obina
DFA itinaas ang crisis alert level sa ilang mga bansa was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882