Sinimulan na kaninang umaga ang closed door briefing ng mga security officials ng pamahalaan sa mga senador.
Ito ay upang bigyang katwiran ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang ipinatutupad na Batas Militar sa Mindanao.
Kabilang sa mga nagbigay ng briefing ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP o Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año at National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Sa nasabing closed door meeting ay nagbigay ng update ang mga security officials sa sitwasyon sa Mindanao partikular sa Marawi City.
Samantala, tiniyak ni Senador Migz Zubiri na boboto siya pabor sa hiling na pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taon.
Ito ang inihayag ng Senador bago dumalo sa security briefing ng mga opisyal ng pamahalaan sa Senado ngayong araw.
Ayon kay Zubiri, siya pa mismo ang nagmungkahi na dapat ay palawigin ng anim na buwan ang idineklarang Batas Militar sa Mindanao sa kanilang pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.
Aniya, kanyang nakita ang pangangailangan ng mas mahaba pang Martial Law para maresolba ang problema sa kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.
By Krista de Dios | ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)
Security briefing ukol sa Martial Law extension sinimulan na was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882