Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi itutuloy ang peace talks sa mga komunistang grupo kung hindi titigil ang mga ito sa kanilang mga pag-atake laban sa gobyerno.
Ayon sa Palasyo, ito ang binigyang diin ng Pangulo nang makipagpulong ito sa government peace panel sa pangunguna ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
Binigyang diin ng Pangulo na simula pa man ay in good faith ang pakikipagkasundo ng pamahalaan sa makakaliwang grupo na dapat aniyang tapatan ng sinseridad ng mga ito.
- Ralph Obina