Patay ang dalawang sundalo matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng NPA o New People’s Army sa Roxas, Palawan kaninang umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Private First Class Joene Gagogas Galiste at Private James Melchor Porol na kapwa miyembro ng Philippine Marines.
Ayon kay Palawan Police Director Senior/Supt. Gabriel Lopez, papauwi galing palengke ang dalawang sundalo dakong 7:30 ng umaga nang mangyari ang pananambang.
Nakakuha naman ng basyo ng bala ng 9mm at calibre 45 baril ang mga otoridad sa lugar ng krimen.
- Krista De Dios