Hinamon ng Malakanyang ang mga komunistang rebelde na magpakita ng katapatan sa usapang pangkapayaan.
Ito ay matapos na ipag-utos ng CPP o Communist Party of the Philippines sa NPA o New People’s Army ang pagsasawaga ng mga pag-atake sa pamahalaan bilang protesta sa planong pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, dapat ay makipag-tulungan ang CPP-NPA-NDF sa pamahalaan na sugpuin ang tunay na kalaban bilang pagpapatunay ng kanilang pakikiisa upang makamit ang kapayapaan sa bansa.
Giit pa ni Abella, matagal nang ipinakikita ng administrasyong Duterte ang commitment nito sa usapang pangkapayaan na siyang dapat ay gawin din ng komunistang grupo sa pamamagitan ng pagpapahinto sa pangingikil at iba pang criminal activities.
- Krista De Dios