Pinayagan na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board ang mga Transport Network Company na Grab at Uber na maghain ng apela laban sa apprehension order na itinakda sa Hulyo 26.
Ito ang napag-kasunduan nina Senators Grace Poe at JV Ejercito, Chairperson at Vice-Chairman ng Senate Public Services Committee sa isinagawang closed-door meeting ng L.T.F.R.B., Grab at Uber, kahapon.
Ayon kay Poe, sa oras na matanggap ang Motion for Reconsideration ay titingnan ito ng L.T.F.R.B. at habang sumasailalim sa deliberasyon ay magpapatuloy ang serbisyo ng mga nasabing T.N.C.
Ipinaliwanag ni Ejercito na dahil sa ihahaing apela ay hindi muna manghuhuli ang ahensya ng mga uber At Grab car na wala pang kaukulang permit.
Bagaman nasa kamay na ng Grab at Uber kung kailan magsusumite ng M.R., mas mahalaga anila ay hindi maantala ang kanilang serbisyo sa gitna ng nararanasang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
LTFRB pinayagang maghain ng apela ang Grab at Uber was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882