Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mas mabilis na pag-proseso ng nasa 14 hanggang 15,000 naka-tenggang franchise application ng mga Transport Network Vehicle Service tulad ng Grab at Uber.
Ayon kay L.T.F.R.B. Board Member at Spokesperson, Atty. Aileen Lizada, ang mga nasabing prangkisa maging ang certificates of public convenience ay napaso na o nakatakdang mapaso.
Sa katunayan anya ay nagbukas na sila ng one-stop shop sa main office ng L.T.F.R.B. sa Quezon City kung saan i-po-proseso ang extension ng Grab at Uber franchises na nakatakdang mapaso simula alas 8:00 hanggang alas 3:00 ng hapon sa Hulyo 31.
Magugunitang pinagmulta ang Grab at Uber ng tig-5 milyong Piso dahil sa kabiguang tumalima sa ilang kondisyon hinggil sa Certificate of TNC Accreditation sa ilalim ng Memorandum Circular Number 2015-016.
By: Drew Nacino
LTFRB nagbukas ng one-stop-shop para sa mga TNVS application was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882