Nakatakdang inspeksyunin ng mga opisyal ng TRB o Toll Regulatory Board ang bahagi ng ginagawang Skyway Project 3 sa bahagi ng Osmeña Highway sa Makati City.
Ito’y makaraang bumagsak ang ginagawang beam o Viga sa nasabing proyekto na ikinasugat ng ilang mga mangagawa mula sa kumpaniyang DM Consunji Incorporated kamakalawa.
Ayon kay TRB Spokesman Alberto Suansing, kanilang hinihingan ng incident report ang Citra Central Expressway Corporation na siyang namamahala sa Skyway hinggil sa pangyayari.
Kasunod nito, aalamin din aniya ng TRB kung may nakatalagang safety officer ang contractor na DM Consiunji Inc nang mangyari ang aksidente.
Posible aniya kasing may hindi nasunod na protocol sa construction habang ina-assemble ang steel bars o kabilya na siyang nagresulta sa pagbagsak niyon
By: Jaymark Dagala
Citra Central pinagpapaliwanag hinggil sa nangyaring aksidente sa Skyway was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882