Humihingi ng tulong ang lokal na pamahalan ng Lanao del Sur sa militar para sa pagbubukas ng alternatibong ruta na maaaring madaan ng mga trak na magdadala ng relief goods sa mga evacuees sa katimugang bahagi ng lalawigan.
Ayon kay Lanao del Sur Assemblyman Zia Alonto Adiong, hindi nakarating ang kanilang ipinadalang relief goods sa mahigit na limampung libong (50,000) mga evacuees sa Ditsaan Ramain, Bubong, Masiu at iba pang katimugang bayan ng lalawigan kahapon.
Ito ay dahil hindi kaya ng tulay sa bayan ng Poona Bayabao ang pagdaan ng pitong malalaking trak na nagdadala ng relief goods.
Giit ni Adiong, may alternatibong ruta na posibleng madaanan subalit problema nila ang seguridad kaya humihingi sila ng clearance mula sa militar.
Kasabay nito, pinabulaanan naman ng lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur na nagkakaroon ng food blockade at iginiit na problema sa seguridad ang dahilan ng pagkakaantala sa paghahatid ng relief goods.
By Krista de Dios
Alternatibong ruta para sa relief ops sa Lanao del Sur hiniling was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882