Naniniwala si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison na hindi na kailangan ng peace talks dahil sa pagka-humaling ng Duterte Administration sa martial law at mass murder.
Ito ang inihayag ni Sison makaraang suspendehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakdang back-channel talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front sa Europa dahil sa pag-atake ng New People’s Army sa convoy ng Presidential Security Group sa Arakan, North Cotabato.
Kinuwestyon ni Joma kung ano ang pakay ng mga miyembro ng P.S.G. na lulan ng van sa Arakan nang maganap ang insidente noong Miyerkules, Hulyo 19.
Tila naulit anya ang “mala-ambush me” na insidente na kinasangkutan ng noo’y defense minister na si dating Senador Juan Ponce Enrile sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na naging daan upang magdeklara ng batas militar, noong 1972.
By: Drew Nacino
CPP Founder Joma Sison naniniwalang hindi na umano kailangan ng Peacetalks was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882