Binuweltahan ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Ito’y makaraang ihayag umano ni Marcos na ililipat ng piitan ang tinaguriang Ilocos 6 sa loob ng Batasan kasabay ng SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 24.
Ayon kay Pimentel, tila itinaon aniya ni Marcos ang nasabing pahayag makaraang lumabas ang audit report hinggil sa paggamit ng pamahalaang panlalawigan sa mahigit 70 Milyong Pisong Tobacco Excise Tax funds para ipambili ng mga sasakyan at iba pang kagamitan.
Kasunod nito, binansagan pa ni Pimentel na Queen of Fake News si Marcos dahil sa galing aniya nitong magpakalat ng mga mali at walang katotohanang balita para malihis ang atensyon ng publiko sa ginagawang pag-iimbestiga sa kaniya ng Kamara.
By: Jaymark Dagala
Gov.Imee Marcos tinawag na queen of all fake news was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882