Isinusulong ng isang US Congressman ang pagbabawal sa Pangulong Rodrigo Duterte na tumuntong sa White House.
Ayon kay Massachusetts Representative Jim McGovern, tila walang pagpapahalaga ang Pangulong Duterte sa karapatang pantao dahil sa patuloy na pangangalandakan sa mga napapatay na suspek sa kampanya ng administrasyon nito kontra iligal na droga.
Sa isinagawang pagdinig ng Tom Lanston Commission sa War on Drugs ng Pangulong Duterte, tiniyak ni McGovern ang pangunguna sa protesta kapag inimbitahan sa White House ang Pangulo ng Pilipinas.
Kasabay nito, tinawag ni McGovern, co-chair ng Human Rights Commission na badly managed ang patuloy na bakbakan ng militar at Maute group sa Marawi City.
By Judith Larino
Pangulong Duterte ipinaba-ban sa White House was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882